NAG-crash ang helicopter na sinasakyan ni Iranian President Ebrahim Raisi at kanyang foreign minister nitong Linggo.
Natukoy na rin kung saan ito bumagsak, ayon sa pinakahuling ulat ng Iran’s East Azerbaijan Revolutionary Guards Command.
Ayon sa Iranian state news agency IRNA, nakatanggap ang command ng signal mula sa mobile phone ng isa sa mga crew ng nag-crash na helicopter, at agad na nag-deploye ng troops sa lugar para sa isang rescue mission.
Nagkaroon ng hard landing ang helicopter ng sinasakyan ni Raisi at ng kanyang Foreign Minister Hossein Amirabdollahian dahil sa matinding lagay ng panahon habang pabalik ito mula sa isang dam inauguration sa Azerbaijan border.
Inanunsyo ng Iranian Red Crescent na nangyari ang crash sa pagitan ng Kaleybar and Varzaqan.
Ayon naman kay Iranian Interior Minister Ahmad Vahidi na hindi pa nararating ng rescue team crash area.
Samantala sinabi naman ni East Azerbaijan Deputy Governor Jabbarali Zakiri na dalawa sa helcipter na kasama sa convoy ng presidente ang ligtas na nakapag-landing nitong Linggo.
Nagpahayag naman ng kanilang pagkabahala at tulong ang mga lider ng iba’t ibang bansa.