PINASLANG ang pangulo ng Haiti na si Jovenel Moise habang sugatan naman ang misis nito matapos pasukin ang kanilang private residence nitong Miyerkules.
Ang Prime minister na si Claude Joseph, na pansamantalang hahalili para pangunahan ang bansa, ay nanawagan sa publiko na manatiling kalmado sa gitna ng trahedya.
Ayon kay Joseph, pawang mga professional assassins na pawang nakapagsasalita ng English at Espanyol ang umatake sa pangulo at sa kanyang asawa, ayon kay Joseph.
Dinala ang first lady na si Martine sa isang lokal na ospital para malapatan ng lunas bago ito inilipad sa Miami.
Ayon kay Haiti’s ambassador to Washington, Bocchit Edmond, ang mga pumaslang sa Haiti president ay nagpanggap na mga US Drug Enforcement Administration agents na posibleng nakaalis na rin sa bansa.