Gun attack sa daycare center sa Thailand; 22 bata at ilang iba pa patay

DALAWAMPU’T dalawang bata at 12 na iba pa ang nasawi nang pagbabarilin at pagsasaksakin ang mga ito ng isang dating pulis sa daycare center sa Bangkoko, Thailand nitong Huwebes.

Pinatay din ng suspek ang kanyang asawa at anak bago siya nagpakamatay, ayon sa district officer na si Chakkraphat Wichitvaidya.

Ayon sa report ng Reuters, 22 ang napatay ng suspek na nadismis sa pulisya noong isang taon dahil sa kasong droga.

Sinabi ng mga nakasaksi, armado ang suspek ng baril habang nanghahalibas ng patalim sa mga nakakasalubong nito sa center.

Kaunti pa lamang ang mga batang nasa center nang dumating ang suspek dahil sa maulan.

“The shooter came in around lunch time and shot four or five officials at the childcare centre first,” ayon sa opisyal. At isa rito ay guro na buntis.