INIREKLAMO sa otoridad ng isang lalaki sa Indonesia ang kanyang bride makaraang madiskubre na lalaki rin ang kanyang pinakasalan.
Base sa ulat, nadiskubre lamang ng hindi-pinangalanang groom ang kasarian ng kanyang “misis” makaraan ang 12 araw matapos silang ikasal.
Napag-alaman na ilang araw na tumangging makipagniig sa kanya ang asawa pero kinalaunan ay napilit din niya ito.
Doon na tumambad sa kanya ang lihim ni “misis.”
Ayon sa lalaki, bago pa man ang itinakdang kasal nila ay nagdesisyon ang kanyang bride na ilihim muna sa publiko at huwag iparehistro ang kanilang kasal.