ABU DHABI, United Arab Emirates – Isang gintong funerary mask na nadiskubre sa Butuan at isa namang gintong tasa na nadiskubre sa Nabua, Camarines Sur ang kasalukuyang naka-display sa Louvre Abu Dhabi Grand Vestibule bilang bahagi ng World Civilizations Collection na naturang museo.
Tinatayang nagmula pa sa ika-10 hanggang ika-13 siglo pa ang mga naturang artefacts at bagay na nagpapatunay kung gaano kayaman ang Pilipinas sa ginto.
Ang mga artefacts ay pahiram ng Ayala Museum at inilagay sa Louvre Abu Dhabi kamakailan lamang nitong ika-27 ng Hunyo.
Ayon kay Ambassador Hjayceelyn M. Quintana, na syang kumilos upang maitampok ang mga artefacts sa Louvre Abu Dhabi, malaking bahagi ang mga ito sa pagdiriwang di lamang ng ika-124 na anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas, kundi maging ng ika-48 anibersaryo ng relasyong diplomatiko sa pagitan ng Pilipinas at ng UAE.
“This collaboration is another testament on how effectively the Louvre Abu Dhabi, as a cultural beacon, plays its role of ‘bringing different cultures together to shine fresh light on the shared stories of humanity,’ thereby making the Louvre Abu Dhabi a truly universal museum,” sabi ni Ambasador Quintana.
Dagdag pa nya: “I am grateful to the leadership of the UAE, the Ministry of Culture and Youth headed by Her Excellency Minister Noura bint Mohammed Al Kaabi and the wonderful members of the Louvre Abu Dhabi team headed by Director Manuel Rabaté and the curatorial team led by Dr. Souraya Noujaim.
“The Filipinos are honored to be part of the narrative of world civilizations. The showcasing of this magnificent private collection from the Philippines’ premier museum, the Ayala Museum, represents a fascinating facet of Philippine history. Indeed, this brings tremendous national pride to the Filipinos not only in UAE but Filipinos in the Philippines and around the world.”
Ang funerary mask ay ginagamit na pantakip sa mukha ng pumanaw bilang pagggalang at upang magsilbing gabay sa kabilang buhay, ayon sa paniniwala ng mga ninuno.