Chris Brown nambatok na babae, kinasuhan

NAHAHARAP sa kaso ang R&B singer na si Chris Brown makaraan niya umanong batukan ang isang babae sa kanyang bahay sa Los Angeles noong June 18.


Wala namang nagulat sa balita dahil sa dami ng babae na inasunto siya dahil sa pambubugbog, gaya na lang ng dati niyang girlfriend na si Rihanna noong 2009.


Ayon sa ulat, rumesponde ang pulisya sa tawag mula sa isang bahay sa Citrus Ridge Drive sa San Fernando Valley.


Wala naman si Brown nang dumating sa bahay ang mga alagad ng batas.


Nadatnan nila roon ang biktima na sinabing binatukan siya ng singer sa gitna ng kanilang pagtatalo.


Hindi naman nasugatan ang biktima pero natanggal umano ang kanyang hair extension dahil sa pangyayari.


Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang insidente.


Matatandaan na noong 2019 ay nadetine si Brown, 32, dahil sa mga kasong may kinalaman sa droga at rape sa Paris. Bago iyon, noong 2017, ay inakusahan siya ng pagbabanta ng kanyang ex-girlfriend na si Karrueche Tran.