NAKAMASID ang buong mundo sa koronasyon nina Charles III and Camilla, bilang hari at queen consort ng Britanya, nitong Sabado, Mayo 6, 2023, sa Westminster Abbey.
Ito ang kauna-unahang koronasyon simula noong 1953 nang koronahan ang nanay ni Charles na si Queen Elizabeth II.
Mahabang prosisyon ang ginanap sa Westminster Abbey mula sa Buchingham Palace habang sakay ang mag-asawa sa ginintuang karwahe habang sila ay binati ng mga taong nag-aabang sa kanila sa kalsada.
May 200 miyembro ng British military na sakay ng kabayo ang sumali sa prosisyon.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng bagong koronang si King Charles III, na susundan niya ang naging yapak ng “king of kings”, na ang pinatutungkulan ay si Hesu Kristo, na dumating upang “magsilbi at hindi para pagsilbihan.”