MAGANDA at positibo.
Ganito ang naging pagsasalarawan ni US President Joe Biden sa kanilang paghaharap ni Russian President Vladimir Putin sa isang summit na ginanap sa Switzerland nitong Miyerkules.
Sa kabila nito, may pasaring pa rin na ginawa ang pangulo ng America sa Russian counterpart nito na di hahayaan ng Washington ang pakikialam ng anumang bansa sa US democracy.
Ginanap ang pagpupulong sa isang villa na tanaw ang Lake Geneva at nangyari sa kalagitnaan ng mainit na tensyon sa pagitan ng Washington at Moscow.
Aminado si Biden na maraming di pagkakaunawaan ang dalawang bansa, at isa na rito ang Russian cybery-activity na ginagawa ng Russia, lalo na ang pakikialam nito sa eleksyon.
Issue naman ni Putin sa Estados Unidos ay ang pagtuligsa ng Washington sa nagaganap na crackdown sa kanyang mga kritiko.
Sa huli nangako ang dalawang opisyal na hindi sila magsisimula ng panibagong Cold War.