NAGDIWANG ang White House matapos i-convict ang white ex-cop na si Derek Chauvin sa pagpatay sa African American na George Floyd.
Maging si US President Joe Biden ay tila nabunutan ng tinik sa lalamunan nang hatulan si Chauvin sa sinasabing racially charged killing.
“We’re all so relieved,” pahayag ni Biden sa pamilya ni Floyd nang tawagan niya ang mga ito matapos ibaba ang hatol Martes (US time).
“It’s really important,” dagdag pa ni Biden, habang nangako sa pamilya ng biktima na dadalhin ang mga ito sa White House sakay ng Air Force One.
Ilang minuto matapos ibaba ng jury ang kanilang verdict, maingay na nagsilabasan sa courthouse ang mga tagasuporta ni Floyd na nagdidiwang.
Chauvin, 19 taon nang beterano ng Minneapolis Police force, ay nahaharap sa 40 taon pagkabilanggo dahil sa second degree murder.
Napatay ang 46-anyos na si Floyd noong Mayo 25, 2020 dahil sa pekeng $20 bill.