SA China, maaari kang makabili ng bahay gamit ang bawang, trigo, pakwan at peaches.
Ayon sa ulat ng World Is One News, isang real estate company ang nagkaroon ng promotion kamakailan kung saan tatanggap sila ng bawang bilang paunang bayad sa house and lot.
Gaano naman karaming bawang ang hinihingi nilang downpayment?
Nasa 860,000 catties.
Ang isang cattie ay katumbas ng 600 gramo. Nagkakahalaga naman ng 5 Chinese yuan ang isang cattie.
Sinabi ng kumpanya na pumayag sila sa nasabing deal, na kinabibilangan ng 30 bahay at lupa, upang pasiglahin ang bentahan ng kanilang mga properties sa kanayunan.
Mula January hanggang June ngayong taon ay bumagsak ng 25 porsyento ang bentahan ng real property sa China.
Maraming Chinese, sabi pa sa ulat, ang umiiwas sa pagbili ng bahay at itinatabi na lamang kanilang mga yuan dahil sa walang kasiguruhang lagay ng ekonomiya ng bansa.
Samantala, ilang kumpanya ang tumatanggap naman ng trigo, pakwan at peaches bilang downpayment.