PWEDE na uling magplanong mamasyal sa Thailand!
Ito ay matapos sabihin ng Department of Foreign Affairs na lumamig na ang away sa pagitan ng mga Pinoy at Thai na transgender group sa Bangkok noong nakaraang linggo.
“If you’re just a normal tourist, it’s safe,” pahayag ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Jose De Vega.
Gayunman, mas makabubuti anyang iwasan munang magtungo sa Soi Sukhumvit 11, kung saan naganap ang bugbugan noong Marso 4.
“My advice to our Filipinos, (is) just follow the law, if you’re a tourist be a tourist, and simply don’t pick fights with locals,” payo pa ng opisyal.
Dagdag pa ni De Vega na nakatanggap na ng sorry at compensation na 10,000 baht ang isang bystander na Pinoy na nadamay at nasugatan sa insidente matapos atakihin ng grupo ng mga Thai na transgender.
Nakilala ang biktima na si Ivy.
Tinanggap naman umano ni Ivy ang sorry at nagdesisyon na bumalik na agad sa Pilipinas.
“The situation has really cooled down. We’re considering it case closed in the sense that there are no more cases being filed, no more investigations,” dagdag pa ng opisyal.
“As for the tension, we just hope that in Bangkok, walang (there will no longer be) more skirmishes and dapat matuto na rin ang ating mga kababayan (and I hope our fellow nationals learn from this),” he added.
De Vega said the four will be flying back to Manila this week. (PNA)