TINANGGALAN ng titulo ang anak ni Queen Elizabeth na si Prince Andrew, na Duke of York dahil sa kasong sexual abuse na isinampa laban sa kanya.
Inanunsyo ng Buckingham Palace na inalisan ng military title at iba pang royal patronages ang prinsipe.
Ang hakbang ay bunsod ng desisyon hinggil sa sexual abuse case na isinampa laban kay Prince Andrew. Binalewala ng judge ang appeal nito na ibasura ang kaso laban sa prinsipe.
Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng American-Australian campaigner na si Virginia Giuffre na sinabi na pinilit siyang makipag-sex kay Prince Andrew ng tatlong beses habang naroroon sila sa properties na pag-aari ni Jeffrey Epstein.
“The Duke of York will continue not to undertake any public duties and is defending this case as a private citizen,” ayon sa kalatas na ipinalabas ng Buckingham Palace.
Hindi na rin maaaring tawagin si Prince Andrew na “His Royal Highness”.