5 Pinoy sugatan sa matinding turbulence na dinanas ng Singaporean flight

LIMANG Pinoy na sakay ng Singapore Airlines ang nasugatan matapos ang matinding turbulence na dinanas habang nasa biyahe mula London.

Nasa ospital pa sa Bangkok, Thailand, ang limang Pinoy, ayon kay DFA spokesperson Ma. Teresita Daza.

Nauna nang inanunsyo ng Singapore Airlines na kabilang ang limang Pinoy sa 71 pasahero ng Flight SQ 321 ang nasugatan habang isang British national naman ang nasawi dahil sa matinding turbulence.

Nasa kalagitnaan ng meal service ang eroplano nang dumanas ng turbulence, na ang ilan ay hindi naka-seatbelt dahilan para tumilapon ang mga ito.

Dahil dito, nag-emergency landing ang eroplano sa Thailand.