TATLONG ang nasawi matapos muling ugain ng magnitude 6.4 lindol ang Hatay, Turkey at hilagang bahagi ng Syria Lunes ng gabi o ilang linggo matapos ang magnitude 7.8 na pumatay ng halos 45,000 katao sa dalawang bansa.
Nagdulot ng panibagong takot sa mga mamamayan ang nangyaring pag-uga.
Sinabi ni Turkish Interior Minister Suleyman Soylu bukod sa tatlong nasawi, 213 iba pa ang dinala sa ospital.
Samantala, sa Syria, 130 katao naman ang sugatan.
Naitala ang sentro ng lindol sa bayan ng Defne, Turkish ganap na alas-8:04 ng gabi.