28 dadalo sa Eid al-adha celebration patay sa aksidente

AABOT sa 28 katao ang nasawi matapos bumangga ang sinasakyan nilang bus sa isan trak sa Pakistan.

Punong-puno ng tao ang bus na papauwi sana ng kani-kanilang bahay para sa selebrasyon ng Eid al-Adha bukas nang sumalpok ito sa isang trak sa Punjab province, ayon sa ulat ng AFP.

Bukod sa 28 na nasawi, mahigit sa 40 iba pa ang nasugatan sa aksidente. Posibleng madagdagan pa ang bilang ng nasawi dahil marami pa diumano ang nasa kritikal ang kondisyon bunsod ng matinding pinsala.

Ang Eid al-Adha ay isa sa pinakamalaking selebrasyon sa kalendaryo ng mga Muslim. Kadalasan nagsasama-sama ang mga pamilya para ipagdiwang ito.