MAY 20 katao ang nasawi habang marami pa ang nasugatan nang sumambulat ang isang bomba sa loob mismo ng Mar Elias Church sa Damascus nitong Linggo.
Nasa gitna ng misa nang pasabugin ng isang suicide bomber ang bombang dala nito sa kanyang katawan, ayon sa Syrian Observatory for Human Rights.
Nangyari ang pag-atake mula sa sinasabing miyembro ng Islamic State (IS) militatnt group sa nasabing simbahan sa capital ng Dweilaa district, ayon sa mga ulat.
Sinabi ng Syrian Civil Defense na inaalam pa nito ang aktwal na bilang ng mga nasawi at nasugatan sa insidente.
Wala pang pag-amin ang IS sa ginawang pag-atake.