KINUMPIRMA ngayong Biyernes ng embahada ng Pilipina sa Ankara na dalawang Pinoy ang nasawi mula sa magnitude 7.8 earthquake na yumanig sa Turkey nitong Lunes.
“It is with deepest regret that the Embassy must inform the public of the passing of two Filipinos, both earlier reported to be missing in Antakya,” ayon sa pahayag ng embahada.
“The Embassy and Consulate General express their deepest condolences and are in coordination with the victims’ families in both the Philippines and in Turkiye,” dagdag pa nito.
Ang dalawang Pinoy ay unang napaulat na nawawala kasama ang isa pa. Mapalad namang nakaligtas ang ikatlong Pinoy, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Iniulat din ng DFA na may 34 Pinoy ang nailikas matapos ang lindol. Patungo ang mga ito sa capital ng Turkey na Ankara.
Umabot na sa 20,000 ang nasawi sa lindol.