DUMATING kagabi ang 13 pang Pinoy mula sa Ukraine sa harap naman ng patuloy na gera sa pagitan ng Russia at Ukraine, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sinabi nu DFA Undersecretary Sara Lou Arriola na kabilang sa dumating ang tatlong estudyante at isang sanggol.
“Overjoyed to welcome home our 13 repatriates from Ukraine. Among them is one baby and 3 students who fled Ukraine when the invasion began. They used the Polish humanitarian corridor to be able to return to the Philippines,” sabi ni Arriola.
Umalis ang mga Pinoy mula sa Warsaw Chopin airport sakay ng Emirates flight EK 2023 at dumating sila sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 pasado alas-10:30 nga gabi.
Kabilang sila sa 40 Pinoy na nasa Kviv matapos na ma-rescue.