SINIBAK ng Meta, parent company ng social media giant na Facebook, ang 11,000 empleyado nito.
Ito ang inanunsyo ng CEO na si Mark Zuckerberg nitong Miyerkules, kasabay ang pagsasabi na 13 porsyento ang nabawas sa kanilang workforce.
“I want to take accountability for these decisions and for how we got here,” ayon kay Zuckerberg sa kanyang liham sa mga empleyado.
“I know this is tough for everyone, and I’m especially sorry to those impacted.”
Bukod sa Meta, nauna na ring nanibak ang ilang tech firms ng kanilang empleyado, gaya ng Snap at Twitter. Ito ay bunsod ng implasyon at banta ng recession.