Vlogger Tim Sawyer hinahanting ng NBI

PINAGHAHANAP ng National Bureau of Investigation ang vlogger na si Tim Sawyer dahil sa kasong may kinalaman sa pananakit sa kanyang dating live-in partner.


Nag-isyu ng warrant of arrest ang korte ng Trace Martires City sa Cavite laban kay Sawyer makaraan siyang ireklamo ng dating live-in partner na si China Roces.


Huwebes ng gabi ay pinuntahan ng mga operatiba ng NBI ang bahay ni Sawyer sa Cavite para isilbi ang warrant.


Kinasuhan si Sawyer ng paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act.