Raffy Tulfo dedma na sa death threats



ISINIWALAT ng media personality na si Raffy Tulfo na sandamakmak na ang natanggap niyang death threats.


“Marami, marami na akong nakuhang death threats. Hindi ko na mabilang,” ani Tulfo.


Noong una, dagdag niya, ay natakot siya pero kinasanayan na rin niya.


“Noong umpisa natatakot ako, ninenerbiyos ako, halos maihi ako sa salawal ko. Pero siyempre hindi ko ipinahalata,” ayon pa sa broadcast journalist.


“Pero ngayon, wala na, sanay na ako kumbaga, manhid na e. ‘Yung mukha ko kumapal na saka ‘yung balat ko. Kahit ano pang insultong gagawin sa akin o kahit anong klaseng pananakot, hindi na tumatalab,” aniya pa. –A. Mae Rodriguez