Pinoy boxing medalists may house and lot sa Tagaytay

HINDI man ginto ang nasungkit na medalya sa Tokyo Olympics, may bahay at lupa pa ring matatanggap ang tatlong Pinoy boxers na nagwagi sa palaro.


Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, maliban sa house and lot sa Tagaytay, may mga insentibong pang ibibigay ang pamahalaan sa mga nanalo sa Olympics.


“The two silvers and one bronze, bibigyan ko na rin ng pabahay para pwede na rin ibigay sa kamag-anak nila,” ani Tolentino.


May cash ding igagawad ang pamahalaan kina Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Marcial.


“With some of the savings of the POC, I’m now announcing that the bronze will receive from POC, additional P1M, and for silver medalists, P2M, for gold P3M,” pahayag ni Tolentino.


Makatatanggap naman ng P500,000 cash ang mga non-medalists. –A. Mae Rodriguez