McDo: Wala kaming kinalaman sa fried towel ng Jollibee



TODO-TANGGI ang McDonald’s Philippines na ito ang nasa likod ng pagkalat ng “fried towel” fiasco ng Jollibee.


Sa kalatas, sinabi ng McDonald’s na hindi polisiya ng kumpanya na manira ng kompetisyon.


“McDonald’s Philippines did not and would not produce or release any disparaging material against any brand,” ani McDonald’s Philippines PR at Communications Senior Manager Adi Timbol-Hernandez.


“To reiterate, this piece of content was not made by McDonald’s Philippines and was never posted on any of the brand’s digital assets,” dagdag ni Hernandez.


Matapos mag-viral ang video at larawan ng fried towel na isinerve sa Bonifacio Stop Over branch sa BGC ng Jollibee, ilang netizens ang nagspahiwatig na ang pinakamahigpit na kakumpitensya umano nito ang nasa likod ng pananabotahe.