Matapos mandura ng menor de edad, Juliana Parizcova Segovia ipina-Tulfo

INIREKLAMO ng isang 17-taong-gulang na dalagita sa brodkaster na si Raffy Tulfo ang komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia dahil sa dalawang beses umano nitong pandudura sa kanya.


Ayon sa biktima, dinuraan siya nang dalawang beses sa mukha ng beking komedyante makaraan silang mag-inuman sa kanilang lugar.


Una nang naiulat ng PUBLIKO ang insidente na nag-ugat lamang umano sa charger ng cellphone.


Iniulat din ng PUBLIKO ang ginawang pagsugod ni Segovia, Tyrone James Ortega sa totoong buhay, sa ina ng dalagita.


Sinabi ng biktima na nakatakda silang magharap ng komedyante sa hearing sa barangay sa Hulyo 16.
Pinayuhan ng abogado ng Raffy Tulfo in Action ang biktima na kung desidido ito ay maaari niyang sampahan ng mga kasong slander by deed and child abuse si Segovia. –A.Mae Rodriguez