Basher: Karen Davila nagka-Covid dahil sa kabibiyahe

BINUTATA ng broadcast journalist na si Karen Davila ang netizen na sinabing kaya siya nagkaroon ng Covid-19 ay dahil sa kanyang mga pagbibiyahe.


Sa isang news website, sinisi ng isang @khalid.alsugair si Davila kaya nadale ng sakit maging ang pamilya nito.


“All she does is travel and go out with her family to boracay…” ayon sa netizen.


Runesbak naman ang news anchor.


“@khalid.alsugair ‘all she does’??? Dude, I’ve been a full time working mother all my life. Don’t you dare make mothers feel guilty for wanting a vacation & wanting to spend time with their kids. Get a life man!” ani Davila.


Matatandaan na inihayag ni Davila noong Enero 7 na nagpositibo ang kanyang buong pamilya sa virus matapos ipagdiwang ng holiday season sa Boracay.


“I think it’s the perfect opportunity for me to also share with the public that my own family tested positive for Covid,” aniya.


“We are COVID positive after we arrived from the holidays this coming New Year,’ dagdag ni Davila.
Sa kasalukuyan ay maayos na ang kalagayan ni Davila at kanyang pamilya.