Women’s watch regalo ni Chloe San Jose kay Carlos Yulo

IBINANDERA ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo ang regalong relo sa kanya ng girlfriend na si Chloe San Jose: isang Panthere de Cartier watch.

Sa ginanap na “Man At His Best” 2024 event ng Esquire magazine kung saan pinarangalan si Caloy bilang Athlete of the Year ay tinanong siya kung ano ang suot niyang relo.

“Ang suot ko po ngayong watch ay Cartier. Isa pong dream watch ko. Sobrang espesyal niya po sa akin kasi regalo po siya sa akin ni Chloe,” sagot ng gymnast sa Esquire.

Nagsitaasan naman ang kilay ng mga netizens nang malaman na Panthere, isang lady’s watch, na Carmini (small) size ang suot ni Carlos.

“Bakit pang babae yan suot mo watch Carlo with your money you can buy rolex.”

“Pambabae siya.”

“A ladies watch?”

“That is a Cartier Lady’s Watch. Lol.”

Narito ang deskripsyon ng relo sa mismong website ng Cartier: “A watch that doubles as a piece of jewelry, Panthère de Cartier is one of the most distinctive Cartier designs. Adorned in gold, diamonds, and exquisite gemstones, it is a staple for a woman who never goes unnoticed. Magnetic, wild, feline, and free.”