ISA ka rin ba sa may mga anak na young adult na?
Ngayong college years na ng iyong young adult, hindi katulad natin dati, mas marami silang opportunities na available habang sila ay nag-aaral.
Sa ngayon, maliban sa Fiverr (freelancing website) na nagagawa nila during their breaktime, nabanggit din ng isa sa aking opisina na kahit 2nd year pa lang ang kanyang nursing student na anak, inaalok na ito na mag part-time duty sa isang malaking ospital sa Metro Manila.
Sa katunayan, ang aking anak ay isang content writer sa isang budding Millenial – Gen Z news site habang nag-aaral ng journalism.
Pero paano nga ba natin masusuportahan ang mga anak natin na hindi na bata pero hindi pa rin naman matanda?
Paano natin sila susuportahan kung sila ay may mga pagkakataon na magtrabaho habang sila ay mag-aaral, narito ang mga tips:
1. Alamin ninyo ang schedule nila sa school at sa magiging trabaho nila. Encourage them to be open and flexible sa kanilang schedule. Time management din ang dapat matutunan nila wherein kailangan maibalanse nila ang work-school-social life. Kapag hindi nila magagawa ito, may malaking chance na sila ay mabu-burn out.
2. Celebrate their small wins. Suportahan ang kanilang ginagawa. When they share stories about their co-workers, bagong tasks, or difficult challenges at work, lend your undivided ears. If they ask about your opinion, lalo na kung nakikita nilang isa kang career person, give them a sensible advice.
3. Kapag nakuha na nila ang kanilang unang suweldo, i-encourage to open a bank account, para sila ay makaipon. You can also ask them to do budgeting na rin on how much they should put in the bank. There are also wallet apps that offer savings na hindi na kailangan pumunta physically sa bank to open one, via mobile phone lang. This way makakaramdam sila ng sense of achievement.
4. Bigyan mo na rin sila ng kaunting responsibility financially gaya ng pagbayad ng kanilang phone bill subscription, or half ng kanyang baon. That way maiintindihan nya gaano kaimportante ang shared responsibility sa bahay at pahalagahan nila ang kanilang kita.
5. Teach them to be grounded and still emotionally stable, lalo na sa pakikihalubilo sa ibang tao. Tell them that they have to have long patience sa trabaho versus sa study. May mga instances na kailangan nilang makipagtrabaho sa isang tao na ayaw nila at doon papasok ang tinatawag nating “maturity talk” — dito matututunan nila unti-unti na hindi dapat haluan all the time ng emotion ang work. Pag trabaho, trabaho lang. Kapag kailangang mag-break, gawin ang break.
6. Teach them to be wise sa buhay. Huwag malilibang sa trabaho at masisilaw sa suweldo. Heto kadalasan ang danger ng isang working student lalo na kung nabibili na nila ang gusto nila on their own. Pagsabihan pa rin sila an ang pinakamaige pa rin na tapusin ang kursong pag-aaralan at magkaroon ng diploma, dahil ito ang paraan nila para lalong umangat sa trabaho.
7. Siguraduhin na ang part time na trabaho ng anak mo ay legal. Alamin mo ang kumpanya kung saan sya nagtratrabaho ng part time. Alamin ang sweldo na nararapat nyang makuha, pati na rin ang benepisyo kung mayroon man.
8. Guide ang inyong young adults na kumuha ng mga SSS, Pag-IBIG, TIN at Philhealth. Heto ang mga dapat magkaroon sila as these are requirements ng HR ng kumpanya kung saan sila part-time.
Hopefully makatulong ang tips na ito sa inyong mga anak na nagpa-part time work na. Ang matututunan nila? Time management at working with different people as a team. Till our next column!Tip