Sugod na sa McDo para sa BTS meal

OPISYAL na ibebenta ngayong araw sa McDonald’s ang pinakaabangang BTS meal.

Ayon sa McDonald’s Philippines preparado sila sa inaasahang pagdagsa ng mga bibili ng BTS meal, ang pinakalatest na pakulo ng American fastfood dito sa bansa featuring ang phenomenal na K-pop group na BTS.

Sinabi ng McDonald’s handa sila sa launching ng limited edition na BTS meal sa pamamagitan ng kanilang McSafe Program.

Tiniyak ng pamunuan na maipatutupad ang McSafe Program sa lahat ng branches ng nasabing fastfood para masiguro ang kaligtasan ng bawat customer at crew lalo’t inaasahan ang pagdagsa ng order sa unang araw ng paglabas ng nasabing meal.

Kaya, mga ARMYS, sugod na!