Stylist Liz Uy nagluluksa sa pagkamatay ni Noynoy

ISA ang celebrity stylist na si Liz Uy sa mga nagluluksa sa pagkamatay ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.


May caption na “rest in peace,” nag-post si Liz ng black and white na larawan ng dating pangulo sa kanyang Instagram Stories.


Matatandaang naging close ang dalawa noong 2010.


Sa isang programa sa TV ay inamin ni Aquino na nagde-date sila ni Uy pero itinanggi na magkasintahan sila.


“We have been spending some time together as long as our schedules would permit. But I guess at this point in time, that is the extent of it,” aniya.


“At the present time, I’m just recovering also from a recent engagement, and there’s just too many things,” sabi pa ni Aquino.


Naging malapit ang dalawa ilang buwan makaraang maghiwalay si Aquino at ang girlfriend niyang si Shalani Soledad, na noon ay konsehala sa Valenzuela.