SB19, Andrea Brillantes, Sanya Lopez wagi sa Tiktok Awards

BIG winners ang SB19 at ang mga aktres na sina Andrea Brillantes at Sanya Lopez sa first-ever Tiktok Awards.


Naiuwi ng tatlo ang Top Celebrity Award dahil sa kanilang mga creative content na nagbibigay ng saya sa publiko.


“Siyempre unang-una sa lahat, gusto naming magpasalamat sa TikTok and of course congratulations to everyone who won an award also and participated,” pahayag ng SB19.


“Sobrang thankful kami to be receiving this kind of award. Sobrang honored, malaking opportunity po ito para sa amin. Alam naman natin na maraming artist ang natutulungan ng TikTok ngayon. We are very honored to be part of it,” dagdag pa ng grupo.


Bagaman hindi nakadalo si Andrea, mayroon naman siyang pre-recorded video kung saan nagpasalamat siya sa mga fans.


“Hindi ko inakala na mananalo ako ng award sa TikTok. Thank you to my fans dahil kung hindi dahil sa inyo, hindi magiging ganito kalaki ang platform ko sa TikTok and I wouldn’t be able to express myself with it,” ayon sa young actress.


Sey naman ni Sanya, “Hindi ko akalain na makaka-receive po ako ng award from TikTok. I dedicate this award sa aking family, friends, sa lahat po ng bumoto sa akin.” –A. Mae Rodriguez