Ready sa panalo? Miss Universe 2020 Andrea Meza di kinabahan sa kalaban

HINDI nakaramdam ng kaba ang itinanghal na Miss Universe 2020 na si Andrea Meza ng Mexico sa buong kompetisyon.


“I cannot remember one day that I felt like nervous or If something is not going the right way. I felt this peace, inner peace knowing I keep it great and that it was the moment,” ani Andrea.


Nang banggitin ng host ang kanyang pagkapanalo, alam na umano niya na magbabago na ang kanyang buhay.


“When Mario (Lopez) screamed ‘Viva Mexico’, I always tell everyone this because I thought it came from the crowd, I knew that my life had changed at that moment,” aniya.


Samantala, hindi rin daw niya inakalang makapapasok siya sa Top 5, pero aminado siyang limang taon din niyang hinintay ang pagkakataong tanghaling Miss Universe.