Rabiya Mateo may bitbit na ‘agimat’ sa pagsabak sa Miss Universe

NANGHIRAM si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ng hikaw kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na gagamitin niyang “agimat” sa pagsabak sa pageant.

Kwento ni Rabiya, kailangan daw manghiram ng isang gamit mula sa mga dating Miss Universe winners para siya manalo.

“This is a funny story kasi parang may hula na sabi na if you really want to win, dapat manghingi o manghiram ka ng gamit from the former Miss Universe winners,” chika ni Rabiya.

Dagdag niya, agad niyang minessage si Pia at nanghiram ng gamit.

“So ako talaga hindi na ko nahiya, nag-message ako kay Ms. Pia. Sabi ko ‘Ms. Pia baka meron ka namang something na mapapahiram sa akin’.”

“I mean there’s nothing wrong about it. I just want to make sure na at least wala akong pinalagpas na pagkakataon and Ms. Pia is so kind. Pinahiram niya sa akin ‘yung earrings na ginamit niya during Miss Universe. So iyon ‘yung parang agimat na dala-dala ko ngayon,” sey pa ni Rabiya.

Gaganapin ang 69th edition ng pageant sa May 16 sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Hollywood, Florida, USA. –A. Mae Rodriguez