OPISYAL nang pumasok ang “dry season” or commonly called na summer season kahit hindi proper gamitin dahil wala naman talagang summer sa Pinas. na ang tawag natin sa panahon ng tag-init.
Despite the hot weather, marami pa rin ang makikipagsapalaran bumiyahe upang subukin ang kanilang kapalaran sa pag-apply – lokal man o abroad.
Simula nung nagkapandemya dahil sa COVID-19 hanggang sa ngayon, marami na rin ang nagbago sa mga recruitment firms kung paano sila mag-eentertain ng mga aplikante sa kanilang opisina.
Kaya heto may mga tips na naman akong ibibigay sa inyo bilang recruiter, nang sa gayon ay maging matipid at hassle-free sa tag-init ang pag-aaaplay abroad;
- Tiyakin ang impormasyong iyong nakuha sa job opening – ito ba ay available pa or tumatanggap pa ng aplikante? May mga mobile or cellphone numbers na rin ang mga ahensya o kumpanya kaya maari mo na silang tawagan para i-verify.
- Double-check ang mga listahan ng mga kailangang dalhin sa pag-apply bago ka sumugod sa pag-apply. Kailangan kumpleto ang mga hinihingi na mga dokumento sa pag-apply ng trabaho. Dahil hindi lang naman skills ang labanan ngayon sa pag-aaplay, lalo na kung ito ay papuntang abroad.
- Magbaon ng ekstrang damit, lalo na kung ikaw ay nagko-commute. Agahan mo rin ang alis sa bahay n’yo at least one hour bago sa iyong interview. Para naman makapag-refresh ka at maging ready ka sa iyong interview.
- Magbaon ng crackers, tubig at ekstrang pera in case ikaw ay abutan ng hapon depende sa proseso ng aplikasyon mo.
- Fully loaded na Internet data – mahirap kasi na habang naghihintay ka, wala ka naman magagawa rin kungdi makipagchat sa mga kaibigan mo, or magresearch rin tungkol sa company kung san ka possibly magtratrabaho.
- Clear mind and expectations – hindi naman siguro masamang umasa na ikaw ay mabibigyan ng job offer. Okay lang naman na maging positive – ngunit kailangan isipin mo rin na kung sa iyo talaga ang work, maliban sa ginawa mo na ang nararapat, ay may mga kalaban ka rin. Hydrate din pag me time.
Hopefully maging kayanin mo ang init ng panahon at maaaring dadalhin na stress sa panahong ito. Kaya maging handa at habaan pasensya.