Pinas hindi na number 1 sa Pornhub

NAUNGUSAN na ng Egypt ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa na pinakamahabang oras na nanonood ng mga adult videos sa Pornhub.

Sa kanilang year in review, inanunsyo ng Pornhub na ang Egypt ang numero uno sa panonood sa kanilang site.

May average na visit duration ang mga Egyptians na 11 minuto at 12 segundo.

Tie sa second place ang Pilipinas at Japan na may average na visit duration na 10 minuto at 59 segundo.

Kabilang sa Top 20 ang Germany, Netherlands, France, United Kingdom, Ukraine, Poland, Italy, Belgium, Argentina, United States, Australia, Brazil, Sweden, Canada, Spain, Colombia, at Mexico.

Base sa data ng Pornhub, 53 porsyento ng mga users sa Pilipinas ay mga kababaihan habang mga Japanese adult videos ang paborito ng mga Pinoy.