NASA ika-60 puwesto ang Pilipinas sa World’s Happiest Country, samantalang nanguna naman sa ikalimang sunod na taon ang Finland.
Aabot sa 146 bansa ang isinama sa pag-aaral kung saan nasa huling pwesto ang Afghanistan.
Kabilang sa mga pinagbasehan sa World Happiness Report ay ang life expectancy, gross domestic product per capita, social support sa oras ng pangangailangan, mababang korupsyon, mataas na social trust, generosity sa isang komunidad kung saan nagdadamayan ang mga tao at kalayaan na magdesisyon para sa sarili.
Sa isinagawang pag-aaral ng Gallup World Poll, sumunod sa Finland ang Denmark, Norway, Sweden at Iceland.
Nasa 98 naman ang Ukraine at 80 naman ang Russia.
Isinagawa ang pag-aaral bago ang panggigiyera ng Russia sa Ukraine.
Bukod sa Finland, Denmark at Island, kabilang sa mga bansa nasa top 20 world’s happiest country ang Switzerland, Netherlands, Luxembourg, Sweden, Norway, Israel, New Zealand, Austria, Australia, Ireland, Germany, Canada, United States, United Kingdom, Czechia (Czech Republic), Belgium at France.