LUSOT na sa Committee on Population and Family ang panukalang batas na naglalayong gawing legal ang divorce sa bansa.
Sa kanyang sponsorship speech, binigyang diin ni Albay Rep. Edcel Lagman na hindi taliwas ang divorce sa paniniwala ng mga Katoliko.
“Even the Bible cites instances when Jesus Christ allowed divorces. All Catholic countries, except the Philippines, have legalized divorce. Even the Catholic hierarchy has its own matrimonial tribunal which dissolves marriages similar to a divorce,” sabi ni Lagman.
Sa ilalim ng panukala ni Lagman, magiging opsyon na ang divorce para sa gustong maghiwalay na mag-asawa.
“An aggrieved party can seek in the proper cases annulment of marriage, legal separation or dissolution of marriage based on psychological incapacity under the Family Code, all of which are expensive and lengthy unlike in a divorce proceeding which it is mandated to be inexpensive, affordable and expeditious,” dagdag ni Lagman.
Nauna nang lumusot sa Kamara ang divorce bagamat hindi ito pumasa sa Senado.