MAGSISIMULA na bukas, January 7, ang “pahalik” sa Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand sa Rizal Park.
Isa ang “pahalik” sa mga bahagi ng pagdiriwang ng Pista ng Poong Nazareno.
Susundan ang “pahalik” ng 30 fiesta masses na magsisimula alas-3 ng hapon ng Enero 8 hanggang alas-11 ng gabi ng Enero 9, ang mismong araw ng piyesta.
Magkakaroon naman ng tradisyunal na “Misa Mayor” sa hatinggabi ng Enero 9. Pangungunahan ito ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula.
Ang “pahalik” ay ang paghalik sa poon bagaman maaari ring hawakan at punasan ito ng panyo.
Nauna nang idineklara ng Malacañang bilang special non-working day sa Maynila ang Enero 9.