AYON sa mga eksperto, maraming mga bagay na pwedeng gawin para maging masuwerte ang iyong Bagong Taon.
Pero, paalala nila, huwag umasa sa swerte. Maging masipag at matiyaga para maging masagana sa buong taon.
Narito ang ilang tips para makaakit ng magandang kapalaran.
*Magsuot ng fuchsia pink, red, green, and blue– ang mga masuswerteng kulay sa 2023.
*Maghanda ng 12 klase ng prutas para masagana sa 12 buwan.
*Magpagulong kiat-kiat papasok ng bahay.
*Magsaboy ng barya papasok bahay.
*Mamigay ng angpao o red envelope sa mga bata.
*Mag-ingay para maitaboy ng malas.
*Siguraduhing puno ang lalagyan ng bigas, asin at asukal.
*Siguraduhing puno ang LPG tank.
*Buksan lahat ang ilaw sa bahay.
*Bayaran lahat ng utang.
*Magsabit ng lucky charms sa pinto.
*Imbitahan ang mga kamag-anak at kaibigan para ipagdiwang ang Bagong Taon sa iyong bahay.
*Magsuot ng damit na polkadots.
*Maglagay ng barya sa bulsa.
*Batiin ang mga kakilala.
*Makipagbati sa mga kaaway at mag-move on sa ex.