TAPOS ka man sa high school, associate or college degree, kailangan pa rin mag-level up ka habang naghahanap ng trabaho sapagkat hindi pa rin sapat na nakapagtapos ka lang sa pag-aaral.
Sa bakbakan ng job hunting o paghahanap ng trabaho, lalo na’t naririto pa rin tayo sa panahon ng pandemya, hindi awa ang magsasalba sa iyo para kunin ka ng employer para ikaw ay maging trabahante niya sa kaniyang kumpanya.
Kailangan mo ang self-development.
E, papaano mo naman gagawin yun kung “out of budget” ka?
Kaya nga publiko, eto ang ilang tips na pwedeng makatulong sa iyo:
1. English communication skills
May Internet data ka, may tablet o laptop or smartphone, maaari mo itong gamitin upang mahasa ang iyong communication skills.
Maraming teacher vloggers sa YouTube na maari mong panoorin upang hasain pa ang inyong English skills. Tama na muna ang pagne-Netflix ng mga Koreanovela or Chinovela nang walang humpay o kaya ay pagti-TikTok, at subukan na mag-subscribe sa mga vloggers sa YouTube ng mga ganitong training.
2. Build your self-confidence
Hanapin mo ang mga libreng short training sessions ng mga sikat na self-help success book writer gaya ni John Maxwell upang matutunan mo ang mga skills gaya ng how to communicate effectively, how to work with a team and how to blend in sa corporate world.
Alam naman natin na nag-OJT ka noon (sa mga estudyante during the pandemic, karamihan ay virtual). Sabi nga nila, maging handa ka sa “dog eat dog” world. May classic book din dyan na hindi nawawala sa uso gaya ng “How To Make Friends And Influence People” ni Dale Carnegie. Mag-browse sa mga online newspaper gaya nito at hanapin ang mga self-help tips gaya nitong sa Publiko.
3. Read books about habits
Kung dati sanay kang late matulog at magising, dito dapat masanay ka na gumising nang maaga at malaman kung anong mga dapat unahin kung sakaling may trabaho ka. Ito yung tinatawag na kinasanayan or habit.
May mga self-help books na pwedeng bilhin sa mga bookstore (not necessarily brand new).
Ok sa mga second-hand bookstore gaya ng Book Sale or Book For Less o kahit sa online Google Books na pwedeng i-download nang libre.
Good to read din yung “The Atomic Habit” ni James Clear, try mo.
4. Be friends with Facebook events
Mag-browse sa mga “Facebook Events” para sa mga libreng seminars about using MS Office, or anything that can help you build your self-esteem and confidence habang naghahanap ng trabaho.
5. Search job-related websites
Syempre, umpisahan mo na rin maghanap na ng mga job-related websites kung saan ka pwede mag-send ng iyong electronic CV or resume gaya ng Jobstreet.
Lahat halos ng mga employers – multinational man or local, ay naglalagay ng kanilang job openings sa recruitment portal na ito. Maglagay ng recent photo taken within the last 6 months (ay wag naman graduation photo kasi indicated naman na ikaw ay college graduate). Matutong gumamit ng mga virtual call apps like Viber, MS Teams, Google Team, Skype at Zoom.
There you go! Walang dahilan para hindi ka magkaroon ng trabaho. Effort, dasal at tyaga ikanga.
Till our next column!
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]