KUNG masyado ka na raw nababagot, nayayamot at napagod sa mga ganap sa buhay, bakit di mo raw i-try na makinig ng 80s pop music para ma-relax at matanggal ang mga life’s agam-agam?Ayon sa study ng isang cosmetic surgery center sa Turkey, nagdudulot umano ng “feeling of nostalgia and positivity” ang mga “tito/tita music”.
“Their upbeat, party-like sounds (also) induce the release of endorphins and serotonin in the brain, both increasing feelings of happiness and calm,” chika pa ng study.Sumailalim ang 1,540 katao na may edad 18-25 sa serye ng mental stress test, kabilang ang pakikinig sa ibat-ibang genre ng kanta mula 1960s hanggang 1990s, na isinagawa ng nasabing center.Base sa obserbasyon, 96 percent sa mga sumali sa survey ay bumaba umano ang blood pressure habang 36 percent ang nakaranas ng pagbaba ng heart rate.
Sa kabilang banda, 78 percent naman ang tumaas ang blood pressure habang nakikinig ng techno music.Ilan sa nakatatanggal-anxiety na 80s music ay mula sa Queen, Culture Club, Blondie, Pet Shop Boys at Wham.