UMABOT na sa walong bilyon ang populasyon ng buong mundo matapos maipanganak nitong Martes ang ika-80 bilyon tao, ayon sa United Nations.
“The milestone is an occasion to celebrate diversity and advancements while considering humanity’s shared responsibility for the planet,” ayon kay UN Secretary-General Antonio Guterres sa isang kalatas.
Kinilala rin ng UN ang paghaba ng buhay ng mga tao dahil sa nag-improve na public health, nutrition, personal hygiene at medicine.
Ito rin ay bunsod ng mataas na fertility rates partikular sa mga mahihirap na bansa gaya ng mga nasa sub-Saharan Africa.
Sa Dr. jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila ipinanganak ang “symbolic 8 billionth baby” sa mundo.
Ala-1:29 ng umaga nitong Martes ipinanganak ang malusog na batang babae via normal delivery ng kanyang ina na si Maria Margarita ng Tondo, Maynila.