Miss Glenda binuhay raw ng Diyos

MADAMDAMIN ang appreciation post ng beauty brand owner at social media personality na si Miss Glenda na isinapublikong halos isang taon siyang na-confine sa ospital noong 2024.

“Naiiyak ako. Lord, alam mo ang nasa puso ko, papuri sayo Panginoon dahil binuhay mo pa ako at hinayaang magpatuloy,” aniya sa Facebook.

“Last year, 2024, halos isang taon ako na nasa hospital,” dagdag niya.

Sambit pa niya na Enero pa lang ay dinala siya sa pagamutan para operahan at salinan ng dugo.

“Akala ko hanggang doon nalang ‘yon pero ito ay nagpatuloy. I was in hell, hindi ko na nakikita ang mga anak ko at halos pasuko nadin. Pero kay buti mo, ginusto mo pa na lumaban ako,” pahayag ng CEO.

Nagpasalamat din siya sa “lahat ng nag-alaga sakin, mahal na mahal ko kayo. Mula sa #PINAKAMAHINA hanggang sa aking muling PAGBANGON.”

Inanunsyo ni Miss Glenda, naging maganda ang mga huling buwan ng 2024 at pagpasok ng 2025 para sa kanya.

“Binalik mo na ulit sa akin ang korona sa TikTok Shop Philippines,” sabi niya. “Ngayon, I am happy to announce that I am 100% healthy.”