Melon binili ng P1.2M sa subasta

BINILI ng businessman ang dalawang piraso ng “premium” na melon sa halagang 2.7 milyon yen o P1.2 milyon sa subasta sa Tokyo, Japan.


Ayon sa negosyante, binili niya ang tanyag na Yubari melon upang magbigay ng saya sa mga tao.


“Although there’s still plenty of negative news, I hope this can help people smile and overcome the coronavirus pandemic,” aniya.


Noong 2019, naibenta sa halagang 5 milyon yen o P2.2 milyon ang dalawang piraso ng Yubari melon, pero bumagsak ang presyo nito sa 120,000 yen o P53,000 noong isang taon dahil sa pandemya.


Mula ang nasabing melon sa Hokkaido, isang sikat na tourist destination sa Japan.


Kabilang ang Hokkaido sa siyam na lugar sa Japan na nasa ilalim ng state of emergency dahil sa Covid-19.