HUMINGI ng paumanhin ang singer-actor na si Markki Stroem nang ipakilala ang sarili bilang kinatawan ng the “Land of The Rising Sun” sa katatapos na Mister Universe 2024 pageant.
Imbes na tawaging “Pearl of the Orient,” tinawag na “Land of the Rising Sun” ni Markki ang Pilipinas sa kanyang pagpapakilala sa timpalak na ginanap sa Los Angeles kahapon, December 23.
“Mabuhay! Markki Stroem…Philippines, the Land of the Rising Sun,” aniya.
Ang “Land of the Rising Sun” ay ang bansag sa Japan.
Makaraan ang pageant ay agad na naglabas ng statement si Markki at inamin na kinabahan siya kaya mali ang nasabi
“Happy to have represented the “Pearl of the Orient”, the Philippines! I am so deeply sorry, I guess, sometimes nerves take over,” aniya.
Itinanghal si Markki bilang 4th runner-up sa timpalak kung saan napagwagian din niya ang “Best in Talent” at “Best in National Costume.”