MALAKING bagay ang pag-inom ng tsaa isang tasa kahit tuwing ikalawang araw para maging mas healthy ang puso, ayon sa isang pag-aaral na inilabas kamakaialn ng European Journal of Preventive Cardiology.
Ito ay base sa datos na nakuha mula sa 100,000 Chinese kasama sa long-term health study.
Ipinaalam sa mga ito ang impormasyon tungkol sa pag-inom ng tsaa. Ang pag-aaral ay minonitor ng pitong taon.
Sa pag-aaral, mas mababa ang risk ng pagkakaroon ng heart attack o sakit na may kinalaman sa puso ng mga taong regular na umiinom ng tsaa kumpara sa umiinom nito ng mas mababa sa tatlong tasa kada linggo.