Macho dancer na work from home nakapagpundar ng P3M house, lot

MARAMI ang napabilib ng macho dancer na si Evo Martin alyas Yummy Evo na nagawang makapagpundar ng bahay at lupa kahit may pandemya.


Sa pamamagitan ng Zoom ay nagpe-perform si Evo sa kanyang mga fans na binabayaran naman siya thru mobile payment systems.


Ayon kay Evo, na isa ring magsasaka, nabawi niya ang ipinagbiling lupa ng kanyang pamilya at nakapagpatayo siya ng bahay dahil sa kita niya sa pagsasayaw.


Isiniwalat niya na may isang gabi na kumita siya ng P30,000.


Sabi niya, sa ibinigay na tip sa kanya ng mga fans niya ay “panalo” na siya.


Maliban sa bahay at lupa, nakapag-invest na rin siya sa mga alahas.


Nagsimula ang kanyang career sa macho dancing, kwento ni Evo, nang tawagan siya ng isang kabigan at tanungin kung payag siyang magsayaw sa pamamagitan ng Zoom.


Napa-oo naman siya dahil hindi na niya kailangan pang lumabas ng bahay at makihalubilo sa tao.