LGBT members hindi bet trans candidate sa Miss Universe PH-Pampanga?

TINAASAN ng kilay ng maraming miyembro ng LGBT community sa bansa ang desisyon ng Miss Universe Philippines na payagang sumali ang isang transwoman sa timpalak para sa kinatawan nito mula ng Pampanga.

Kabilang ang transwoman na si Keylyn Trajano, residente ng Siñura, Porac, Pampanga, sa 16 na kandidata na maglalaban para maging kinatawan ng probinsya sa Miss Universe Ph 2025.

Ayon sa Miss Universe Ph Pampanga, si Trajano ay isang “successful model, entrepreneur, and advocate.”

“Keylyn Trajano, proudly representing her Kapampangan roots, makes history as the first trans woman to compete in Miss Universe Pampanga 2025. A successful model, entrepreneur, and advocate, she champions inclusivity, diversity, and empowerment,” ayon sa organisasyon.

Marami naman ang hindi pabor sa desisyon ng organisasyon na pasalihin si Trajano, kabilang ang mga miyembro ng LGBTQ community.

“I am part of the LGBT community as well, but I do not agree with this. There are pageants specifically intended for trans individuals, like Miss International Queen. I believe we should set boundaries and know our limits.”

“Dapat tayong mga LGBT tayo na mismo ang lulugar. May sariling pageant naman para sa mga LGBT. Respeto narin natin yan sa lahat ng mga tunay na babae.”

“No hate pero sa kapatid natin, I do hope yung contest na dapat para sa mga biological women sana hayaan na natin sa kanila. May Miss International Queen naman.”