Laging pagod sa work? Tips to rebound and energize

HABANG sinusulat ko ito ay nakasali muli ako sa aming “small week huddle” kasama ang aking mga churchmates. Lahat kami ay isa lang ang sinasabi: pagod talaga kami sa aming araw-araw na routine.

Sa panahon ngayon at sa henerasyong ito, maraming pagkakaabalahan na talagang, kung ikaw ay magiging greedy, ay gusto mong gawin, iyan ay kung may panahon ka at pera.Yes, alam natin yan, dahil sa mga nakikita natin sa social media, ang paborito nating expression ay #sanaall.

Pero isa ang common denominator ng maraming mga manggagawa, empleyado at mga negosyante — pagod.

Maraming pamamaraan para tayo ay mag-destress, reenergize at mag-rebound. Pero paano mo ito malalaman? May these tips help:

1. Matulog ng tamang oras – tuwing weekend.

Araw-araw sa ating work, sa dami ng deadlines at mga past weeks na puro meetings, immediate task to do, kulang na kulang pa rin ang tulog. Usually sa 8-12 hours na trabaho natin, plus sa hirap ng byahe pauwi – commute man o may sariling sasakyan, hindi kumpleto ang tulog natin. Masuwerte ka na kung ang tulog mo ay 6 hours. Kaya pag weekend, matulog ng tamang oras – kahit sa three nights (Friday, Saturday at Sunday). Surely iba ang gising mo.

2. Organize sa bahay – para maramdamang may “small achievements”

Masyado nating ginagalingan ang mga gawain natin sa office to ensure that we do all our task. Ngunit sa bahay ba may natatapos ka ba? Kailan ka last time nag-organize ng iyong mga damit? Or mag-general cleaning. Oo naman, pagod talaga rin tayo physically. Ngunit, energizing pa rin pag natatapos mo yung matagal mo nang hindi nagagawa feeling mo may achievement ka!

3. Magkaroon ng time sa mga anak

As in umupo sa salas, makinig sa mga kuwento nila, at mag-share ng miryenda. Asikasuhin sila bilang way na iparamdam ang presence mo. Mahilig ba sa planets si Bunso? Kumusta ang thoughts ng iyong teenager? Ano possible plans ng family na pwede pag-usapan? Having your kids around you is one way to rest your “career self” at maging simple lang.

4. Makipag-bonding sa iyong kabiyak (or life partner)

Mahilig ba kayo sa kape? May pinapanood ba si hubby mo na hindi mo maintindihan? Or just simply sit beside him habang nagbabasa or nanonood ng YouTube. No need to strike a conversation. Basta magkasama lang kayo…malay mo….neexxt!

5. Single ka pa or kahit may sariling pamilya na? Bond with your family

Habang wala pang asawa ang mga kapatid or nag-aaral pa ang mga ito, spend time with them. Ito ay one of the best ways to reenergize yourself – have meals or watch a movie together. Hindi kailangang me diskusyong malupet.

Be your old self before you became a career person with your siblings. Be the panganay/middle child/bunso to your parents. Be the young you to your husband before you got married. Be your own usual mother figure na naniniwala sa capabilities of your kids lalo na nung nagsisimula pa lang silang mag-aral.

6. Huwag ikumpara ang sarili sa iba

Don’t ever compare yourself with others kahit sa mga ka-batchmates mo sa schools, friends mo nakaka #lifegoals na sa buhay, dadating din ang time mo.

Kapag nag-focus sa pakikipagkumpara ng iyong sarili sa iba, mai-stress ka talaga at nakakapagod ‘yan. Bawat isa may timeline ng success. Kung hindi mo pa time, huwag kang mag-alala, dadating ka rin dyan, just focus on the goal at prayers pa rin kay God.

Nakalagay nga sa Bible na ang Diyos ay nagtrabaho ng anim na araw para buuin ang ating mundo, at nagbigay siya ng isang araw na pahinga. Kaya dapat lang, tayo rin ay magpahinga to rebound at reenergize. Hanggang sa muli!


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]