I’ll miss you mahboy!

NAGLULUKSA ang content creator na si Lincoln Velasquez, mas kilala bilang Cong TV, sa pagpanaw ng kanyang furbaby na si Tawki.

Sa Instagram ay nagbigay-pugay si Cong kay Tawki na mahigit isang dekada niyang nakasama.

“Ikaw nagpaalala sakin ulit tawki gaano kabilis ang oras. One day masaya lang tayong naglalaro sa bahay at nagvvlog sa cavite tapos sa isang iglap 77 ka na pala sa Dog years at matanda na,” aniya.

“Thank you sa sa lahat ng saya naidulot mo sa pamilya natin. Habang buhay ka sa puso namin. I’ll miss you and I love you Tawki mahboy!” dagdag ni Cong.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa YouTuber sa pagyao ni Tawki.

“Jaguar đź’” run free tawkininaaaam.”

“Runfree tawki.”

“Fly high furbaby!”