TINATAYANG 57 porsiyento ng mga Pinoy ang nagsabi na mas pipiliin nila ang kalusugan kumpara sa pag-ibig at pera, ayon sa Social Weather Stations (SWS).
Gayunman mas mababa ito sa 70 porsiyentong naitala noong Disyembre 2019, panahon na wala pang pandemya.
Sa survey na isinaga ng SWS mula Disyembre 12 hanggang 16, nasa 31 porsyento lamang ang pumili sa pag-ibig habang 11posisyento naman ang pera.
Umakyat naman ang pag-ibig ng walong puntos mula sa 23% at tumaas naman ng apat na puntos ang pumili ng pera mula sa dating 7%.
Samantala, 84 porsiyento ang pinili ang “brains” over “body sa tanong kung anong pipiliin nilang katangian.
Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview ng 1,440 indibidwal sa buong bansa.